× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

PANAWAGAN PARA SA ACCREDITATION NG CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS:

Ang aktibong partisipasyon ng Non-Government Organizations (NGOs) , People's Organizations (POs) at Civil Society Organizations (CSOs) ay mahalaga sa mga operasyon ng Local Government Unit (LGU). Sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng CSOs sa Local Special Bodies (LSB), maaari silang makilahok sa pagbabalangkas ng mga plano, programa, proyekto, o gawain ng lokal na pamahalaan.

Upang matiyak na ang pakikilahok at ang pagiging lehitimo ng mga CSO na nagpapatakbo sa LGU ay nako-control at nasusubaybayan, inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Memorandum Circular No. 2019-72 na pinamagatang "Guidelines on Accreditation of Civil Society Organizations and Selection of the Representatives to the Local Special Bodies".

Sa pamamagitan nito, masisiguro ng LGU na ang mga partner or member CSOs ng LSBs na sumailalim sa accreditation ay may kakayahang maghatid at magbigay ng kapaki-pakinabang na input sa pagpaplano at paggawa ng mga patakaran. Dagdag pa dito, ang mga na-accredit na CSOs ay maaaring lapitan ng LGU sa ilang sitwasyon o inisiyatibo ng LGU ukol sa lokal na pamamahala.

Lahat ng samahan, maliit man o malaki, ay inaanyayahang magpalista:

  1. Bisitahin ang http://www.valenzuela.gov.ph/ para sa kumpletong listahan ng mga Accredited Non-Government Organizations, People's Organizations, at Civil Society Organizations. Tiyakin kung kabilang sa listahan ang iyong samahan o organisasyon.

  2. Kung nais magpa-accredit ng iyong organisasyon at maging kinatawan sa Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela, ihanda lamang ang mga sumusunod na dokumento:

Maaaring magpasa ng mga requirements hanggang Agosto 19, 2019.

Makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ni Kon. Tyson Sy sa 352-1000 loc. 1312 para sa karagdagang impormasyon.