Ang GAWAD DR. PIO VALENZUELA ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa mga katangi-tanging mamamayan ng Lungsod ng Valenzuela. Ito ay pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang kahusayan, paglilingkod at karangalang ibinigay sa bayan sa alaala ng itinatanging bayani ng bayan na si Dr. Pio A. Valenzuela (1869-1956).
Maaaring maging nominado ang mga Valenzuelano na nagpamalas ng katangi-tanging kahusayan sa kanyang sariling larangan at nagbahagi ng taos-pusong paglilingkod sa komunidad o sa bansa. Ang lahat ng nominado ay dapat na taglay ang mga sumusunod na pangunahing batayan ng pagpili:
- Ipinanganak at lumaki sa Valenzuela o nanirahan sa Valenzuela sa loob ng sampung (10) taon o higit pa;
- Walang kaugnayan sa sinumang miyembro ng Search Committee hanggang sa ikaapat na antas ng pagiging kamag-anak;
- Nagpamalas ng katulad na mga katangian at kaisipan ni Dr. Pio Valenzuela sa aspekto ng kahusayan at paglilingkod-bayan;
- Walang usaping legal na may pinal na hatol ng Hukuman laban sa nominado, ito man ay sibil, kriminal o administratibo;
- Huwaran ng kabutihang-asal.
Maaaring magpasa ng nominasyon ang mga sumusunod:
- Mga samahan, institusyon, at barangay sa Valenzuela;
- Mga indibidwal na Valenzuelano na nasa legal na edad;
- Mga indibidwal na walang kaugnayan sa nominado hanggang sa ikaapat na antas ng pagiging kamag-anak;
- Mga indibidwal na walang kaugnayan sa sino mang miyembro ng Search Committee hanggang sa ikaapat na antas ng pagiging kamag-anak.
Ang mga kasapi ng screening committe ay sina:
Atty. Danilo Concepcion
Jonathan Balsamo
Arch. Benjamin Gamaro
Coun. Chiqui Carreon
Coun. Louie Nolasco
Michael Angelo Urieta
Dr. NedeƱa Torralba
Jose Valenzuela Jr.
Rochelle Silverio
Jerome Ong
Ang huling araw ng pagpapasa ng mga nominasyon (pormularyo at scrapbook) ay sa Hunyo 2. Ang mga mapipili ay pararangalan sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kaarawan ni Dr. Pio Valenzuela sa Hulyo 11.
Makakakuha ng kopya ng nomination form sa Valenzuela City Museum, Ground Floor, Valenzuela City Hall. Maaari rin itong ma-download sa https://www.valenzuela.gov.ph/files/gawad/gawad-dr-pio-2023-form.pdf.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa 0917 626 0334 o mag-email sa gawadpio@gmail.com .