× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Russelle Guadalupe - Valenzuela City Science High School

Date Posted: 07.06.2012
 

Math-inik

Nagkampiyon si Russelle Guadalupe, 16, ng Valenzuela City Science High School sa individual competition ng 2012 Metrobank-DepED Math Challenge na ginanap sa Metrobank Plaza sa Makati City, Abril 20-21, 2012. Dinaig ng tubong Brgy. Maysan ang mga naging katunggali mula sa iba’t-ibang paaralan sa National Capital Region (NCR).

 

Math-inik din

Sa 11,627 na mga bata mula sa North America na kabilang sa Math Honor Roll para sa Set. 2011 ng Kumon, isang pribadong tutorial service na nag-ooperate sa buong mundo, nag-Rank 1 si Rieza D. Escarez, 13, ng Brgy. Balubaran. Si Rieza ay naging aktibong miyembro ng Valenzuela City Center for Performing Arts at may talento sa larangan ng pagtugtog ng gitara, piano, violin at pagsayaw ng ballet.  

 

Aning makulay

Tumanggap ng parangal mula kay Pang. Benigno Aquino III ang magkapatid na Jamia Mei Tolentino, 13 at Justen Paul Tolentino ng Brgy. Marulas para sa kanilang pagkakapanalo sa iba’t-ibang paligsahang pandaigdig.

Kaugnay ang parangal para sa taunang Ani ng Dangal Awards ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na ginanap noong Peb. 28 sa Heroes Hall ng Malacañang Palace para kilalanin ang mga Pilipinong nagsipagwagi sa mga paligsahang pansining sa labas ng bansa.

Ilan lamang sa mga naiuwing panalo ni Jamia ang Merit of Excellence Award sa On-the-Spot Painting Contest na ginanap sa Indonesia, ang pinakamataas na pwesto sa 10th Mitsubishi Asian Children Enniki Festa na ginanap sa Tokyo, Japan at ang pagkakapanalo nya sa Embracing Our Differences 2012, isang international outdoor art exhibit kung saan sya ay pinarangalan sa Florida, USA noong nakaraang Abril.

Ilan naman sa mga naiuwing karangalan ni Justen Paul ay ang pagkakakuha nya nang pinakamataas na pwesto sa 2011 Pour I’ Enfrance Annual Drawing Contest at unang pwesto (1st place) sa 9th International Environmental Children’s Drawing Contest sa Tokyo, Japan.  

 

 

       

 

 

Kid MVP

Tinanghal na Most Valuable Player ang football pride ng Valenzuela City na si Amos Magsumbol ng Brgy. Lingunan sa ginanap na Freedom Cup 2012 para sa Under-10 Division nito, sa University of the Philippines Diliman, Abril 22. Kampiyon din ang kanyang mga kalaro sa EAGLES A para sa nasabing division.

Inorganisa ng Friedrich Naumann Foundation for Freedom (FNF), UP National College of Public Administration and Governance (NCPAG) at ng Football Philippines Magazine ang palaro na nilahukan ng may 50 koponan na binubuo ng 600 na manlalaro.