Ang pagbabakuna ay isang ligtas at epektibong paraan upang makaiwas sa mga partikular na sakit. Ang COVID-19 vaccine ay makapagbibigay ng karagdagang proteksyon para malabanan ang mga komplikasyon kung sakaling maging positibo ang isang tao sa COVID-19. Hindi lang mga sarili natin ang ating pinoprotektahan kung tayo ay magpapabakuna, kundi maging ang mga taong nasa paligid natin.
Oo, ligtas ang bakuna laban sa COVID-19. Mayroong iba’t ibang antas ng dalubhasa na nagtitiyak sa kalidad at kaligtasan sa pagbibigay nito. Ang mga bakuna ay sumasailalim sa masusing pag-aaral at mga clinical trials. Dumadaan din ang mga ito sa FDA upang masiguradong ligtas ito.
Magkakaroon din ng screening at assessment para sa bawat babakunahan upang matiyak na sila ay nararapat na tumanggap ng bakuna.
Ginagaya ng bakuna ang virus na nagdudulot ng sakit at naghuhudyat sa katawan na gumawa ng antibody. Ang mga antibody na ito ang magbibigay ng proteksyon sa pagkakataong mahawa tayo ng aktwal na virus na nagdudulot ng sakit.
Kapag ang isang tao ay nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19, bumababa ang kanyang pagkakataon na magkaroon ng malalang sakit; makaiwas sa mga komplikasyon nito, o makapagpasa ng mikrobyo sa ibang tao. Kapag mas maraming tao ang nabakunahan, mas kakaunting tao na lang ang maaaring mahawa kaya’t mas mahirap nang kumalat ang sakit. Ang tawag dito ay "HERD IMMUNITY".
Ang HERD IMMUNITY ay mahalaga dahil napoprotektahan din maging ang mga taong hindi pa maaaring mabakunahan tulad ng mga bata o mga taong may malulubhang sakit.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay nakabili ng 640,000 doses ng Oxford-AstraZeneca COVID-19 vaccine. Ang mga ito ay nakalaan sa 71% na priority population ng lungsod.
71% ng populasyon ng Lungsod ng Valenzuela o nasa 320,000 residente ang target na mabakunahan. Tanging mga 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring magparehistro para sa VCVax.
Ang COVID-19 vaccine ay ituturok sa kalamnan na karaniwang nasa kanang braso. Dalawang doses ang matatanggap ng bawat babakunahan. Sa araw ng pagbabakuna, ikaw ay bibigyan ng VCVax Passport bilang patunay na ikaw ay tumanggap ng unang dose.
Ang pangalawang dose ay maaaring ibigay 4 hanggang 12 na linggo mula nang matanggap ang unang dose.
ibigay para sa pangalawang dose upang makumpleto ang pagbabakuna.
Kung makaramdamn ng side effects ng higit sa 5 araw, agad na pumunta sa pinakamalapit na health station o tumawag sa CESU hotline, 137-160
Mag-log in sa iyong ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “VCVax Registration” button. Isumite ang mga hinihinging impormasyon at maghintay ng tawag mula sa CESU.
Paalala: Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung ikaw ay wala pang ValTrace account, i-click ang link na ito at mag-register. 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring bigyan ng bakuna.
Ayon sa AstraZeneca, inirerekomenda na dalawang doses ng bakuna ang ibibigay na may ilang linggong pagitan. Mahalaga na magkaparehong brand ang maibigay na bakuna para sa una at ikalawang turok.
Magsasagawa ng screening at assessment ang ating mga doktor bago pa man makapagbakuna upang makasiguro na kwalipikado ang sinuman na tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Hindi mandatory ang pagpapabakuna. Ito ay kusang-loob na pagbibigay ng pahintulot para ikaw ay mabakunahan. Gayunman, hinihikayat ang lahat ng Valenzuelano na 18 taong gulang pataas na magpabakuna upang maging protektado mula sa sakit na ito na maaring lumala at maging sanhi ng kamatayan ngunit maaring iwasan.
Oo. Ang lahat ng gastos para sa bakuna ng COVID-19 ay sasagutin ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.
Magkakaroon ng 17 vaccination centers at 76 vaccination teams para sa pagbabakuna
Ang pagbabakuna sa Lungsod ng Valenzuela ay nakatakdang isagawa simula Hulyo hanggang Disyembre 2021, sa sandaling dumating na ang mga bakuna mula sa Oxford-AstraZeneca.
Source: Department of Health | World Health Organization