BOOSTER DOSE FAQs

as of April 2, 2022:

Ito ay alinsunod sa DOH Memorandum No. 2021-0492-B na inilabas noong Disyembre 21, 2021, at sa Advisory Nos. 125, 126 at 127 ng National COVID-19 Vaccination Operations Center na inilabas nitong Enero 2022.

  • Sino na ang maaaring tumanggap ng booster dose?

    Sa ngayon, ang mga maaaring bigyan ng booster dose ay ang fully vaccinated adults (edad 18 pataas) na tumanggap ng kanilang 2nd dose 3 buwan o higit pa ang nakakaraan, anumang 2-dose brand ang nakuha.


    Para sa mga nakatanggap ng Janssen, maaari na kayong tumanggap ng booster dose 2 buwan o higit pa matapos ang inyong primary vaccination.

    Kabilang na rin sa mga pwedeng tumanggap ng booster dose ay ang mga buntis at nagpapasuso, maliban na lamang sa mga buntis na nasa kanilang first trimester*.

    Kahit sa ibang lugar tumanggap ng 1st at 2nd dose, residente man o hindi ng Valenzuela City, maaaring mabigyan ng booster dose sa VCVax.

    *Hindi pa inirerekomenda ang booster dose para sa mga buntis na nasa kanilang first trimester. Maaari lamang silang payagang tumanggap ng booster dose kung sila ay high risk sa COVID-19 at may medical clearance mula sa kanilang doktor.


  • Kailan magsisimula ang pagbabakuna ng booster dose at saan ito gaganapin?

    Kasalukuyang nagbibigay ng booster dose sa Valenzuela City Astrodome.


    Ipinatutupad ang first come, first served basis at limitado lamang ang maaaring bakunahan ng booster dose sa vaccination site kada araw.


  • Paano ako makakatanggap ng booster dose?

    I-check ang inyong VCVax Passport/vaccination card at siguruhing may 3 buwan na o higit pa matapos ang inyong 2nd dose, o 2 buwan o higit pa matapos ang inyong primary vaccination ng Janssen.


    Kung ikaw ay kwalipikado na, maaari ka nang magtungo sa vaccination site. Hindi na kailangan pang mag-register muli o maghintay ng vaccine appointment.


    Bukas ang Valenzuela City Astrodome vaccination site mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

    Dalhin ang mga sumusunod:

    • ValTrace QR Code
    • VCVax Passport/vaccination card
    • Valid o government-issued ID
    • Medical Certificate (Kung may comorbidity)
    • PWD ID / Senior Citizen ID (para sa courtesy lane)
    • Ballpen


  • Anong bakuna ang maaari kong tanggapin bilang booster dose?

    Narito ang mga inirerekomendang booster ng DOH ayon sa natanggap na brand ng 1st at 2nd dose/primary vaccination:

    Primary
    Vaccination
    Amended Interval for
    Booster/Additional Dose
    Homologous
    Booster Dose
    Heterologous
    Booster Dose
    sinovac at least 3 months sinovac astrazeneca, pfizer, moderna
    astrazeneca astrazeneca pfizer, moderna
    pfizer pfizer astrazeneca, moderna
    moderna moderna astrazeneca, pfizer
    Sinopharm* Sinopharm astrazeneca, pfizer, moderna
    gamaleya / sputnik v* Not yet for Implementation astrazeneca, pfizer, moderna
    janssen at least 2 months Not yet for Implementation astrazeneca, pfizer, moderna

    *Para sa mga buntis at mga nagpapasuso na nakatanggap ng primary doses ng Sinopharm o Gamaleya/Sputnik V, ang booster dose na maaari ninyong tanggapin ay AstraZeneca, Pfizer, o Moderna.

    Malalaman na lamang ang mga available na brand sa mismong araw ng pagbabakuna.


  • May bayad ba ang booster dose?

    Ang booster dose ay LIBRE. Wala kayong kailangang bayaran upang makatanggap nito.


  • Mandatory ba ang pagkuha ng booster dose?

    Ito ay voluntary, ngunit 'highly encouraged' ng DOH.


VCVAX Help Center
(02) 8822-2463
8-vaccine