Sa simpleng pagpapabakuna ay naging bahagi kayo ng solusyon upang sama-sama nating malabanan ang COVID-19.
Interesado kaming marinig ang inyong karanasan sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Ibahagi niyo na ang inyong kwento nang sa gayon ay mahikayat na rin ang iba pang Valenzuelano na magpabakuna.
• Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mabakunahan?
• Nakaranas ka ba ng side effects?
• Bakit mo napagdesisyunang magpabakuna?
• Ano ang kahalagahan ng pagpapabakuna para sa iyo at sa iyong pamilya?
Sama-sama nating tulungan ang bawat Valenzuelano na malinawan tungkol sa bakuna at upang makatulong sa kanilang pagdedesisyon.
Tandaan, ang pagpapabakuna ay isang malaking hakbang upang makamit natin ang herd immunity, at upang makabalik na tayo sa normal at makasulong tungo sa mas magandang kinabukasan.
halos lahat takot magpa-bakuna pero naiisip ko pano kung dala dala ko yung virus at isa sa mga pamilya ko magkaroon halos kasama namin sa bahay bata.kaya lahat kame na pwede magpa-bakuna ginawa na namin. walang takot at walang dalawangisip atnagpabakuna kamelahat. laht kame walang naramdaman. masigla ako kasi kahit saan ako/kame pumunta alam namin safe kame at di naman natin masasabi 100% di tau tatamaan ng sakit di lang ganun kalala. kaya halos ng kapitbahay ko nagpatulong at hinikayat ko na magpabakuna. at salamat sa atingmayor @rex_gatchalian sa mabilis at magaling na proseso ngpagbabakuna
I encourage my in-laws na magpavaccine dahil isa sila sa mga vulnerable sa COVID19 dahil may mga kanya-kanya na silang nararamdamang sakit. Kahapon ang vaccination schedule ng father-in-law ko and sobrang saya daw niya kasi feeling Superman na daw sya dahil sa vaccine nya at hindi naman daw masakit ang turok, mas masakit pa daw ang turok sa anti-rabbies noon.. 2 out of 4 adults na ang nababakunahan ng 1st dose dito sa bahay namin...Sana makumbinsi pa namin ang isa naming kasama dito na magpabakuna na rin para sa safety ng kids na kasama namin dito,,
#BakunadongValenzuelano #sinovac1stdose Dati ayaw ko din magpabakuna. Pero sa bandang huli naisip ko ding mas kailangan ko ito.Mas maiiging protektado tayo kesa ilagay natin ang buhay natin sa alanganin lalo't ang kalaban natin ay virus. Nagpapasalamat ako sa mga lider ng Valenzuela sa libreng bakuna. Natapos ko ang 1st dose ng vaccine na maayos,mabilis at ligtas. Nakatitiyak ako na kapag ang lahat ay makiisa sa bakuna, darating ang araw na babalik ang lahat sa normal. #Godblessus!
mga anak ko naghikayat sakin sa magpabakuna dahil inaalala nila may hika ako. mga anak ko kasi laging lumalabas para mag trabaho natatakot sila baka carrier na sila ng virus at mahawa ako. May 1, nagregister kami buong pamilya, after 20 days nabigyan kami ng schedule ng asawa kong Senior. May 23, nabakunahan kami ng 1st dose of AstraZeneca sa Amphitheater. Naging maayos naman ang proseso sa site. After ko bakunahan, natakot ako kasi tumaas ang bp ko pero naging ok din after 1 oras. Pag uwi minonitor ko ang sarili ko nilagnat ng 2 araw at naiintindihan ko na epekto ng bakuna. Naghahantay nalang kami ng 2nd dose sa Aug 15. Sana mabigyan nadin ng schedule mga anak ko na nasa category A4 with comorbidity. Salamat sa LGU of Valenzuela and Frontliners!
Just got vaccinated! Felt protected and safe. Being vaccinated is now a sign of IQ & EQ. Smart people study the situation & trust health experts; kind people protect themselves & others from the deadly virus. Let’s be both smart and kind :) Encouraging everyone to get vaccinated now. Libre lang! Hehehe Thanks Mayor @rex_gatchalian & @valenzuelacity tax payers! #BakunadongValenzuelano