Sa simpleng pagpapabakuna ay naging bahagi kayo ng solusyon upang sama-sama nating malabanan ang COVID-19.
Interesado kaming marinig ang inyong karanasan sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Ibahagi niyo na ang inyong kwento nang sa gayon ay mahikayat na rin ang iba pang Valenzuelano na magpabakuna.
• Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mabakunahan?
• Nakaranas ka ba ng side effects?
• Bakit mo napagdesisyunang magpabakuna?
• Ano ang kahalagahan ng pagpapabakuna para sa iyo at sa iyong pamilya?
Sama-sama nating tulungan ang bawat Valenzuelano na malinawan tungkol sa bakuna at upang makatulong sa kanilang pagdedesisyon.
Tandaan, ang pagpapabakuna ay isang malaking hakbang upang makamit natin ang herd immunity, at upang makabalik na tayo sa normal at makasulong tungo sa mas magandang kinabukasan.
June 7, 2021 noong ako ay mabakunahan, noong una ay kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng aking katawan sa ituturok na bakuna (Sinovac) sa akin, ngunit pagkatpos ng ilang oras ay maayos naman ang aking pakiramdam, medyo nangangalay lang ang braso ko at nanakit ang area kung saan ako binakunahan. Thankful ako kasi libre ko nakuha ng bakuna at mapoproteksunan hindi lang ako pati rin ang pamilya ko. Kaya maraming salamat talaga sa Valenzuela City Government, sa mga efforts upang matuldukan na ang pandemya, at lalo na sa ating mga frontliners! Mabuhay po kayo!
Wala sana akong balak magpabakuna dahil sa takot na baka magkaroon ito ng side effect sa akin lalo na’t may napabalita na epekto sa dugo ng ibang nabakunahan. Isa pa naman akong comorbidity case dahil sa sakit kong Thalassemia. Ngunit nang maexpose kami sa isang Covid positive at na-isolate, doon ko naramdaman ang takot hindi lang para sa akin kundi lalo na para sa apat kong anak. Naranasan ko na hindi makisalamuha sa kanila dahil sa takot lalo na may ibang sintomas akong naramdaman na buti naman ay hindi lumala. Kaya nag-register na ako at isang linggo lang, naka-schedule na ako agad. Napakaayos ng venue at sobrang organized ng sistema. Wala naman akong naramdaman na side effect. Magpabakuna tayo hindi lang para sa proteksyon natin kundi para na rin sa mga mahal natin sa buhay.
Nung nalaman ko na pwede na magpakuna ang may mga comorbidity, nagpa register ako agad. Nung time na yun Sinovac lang ang meron, hindi na ako naghintay o namili pa ng brand dahil sabi nga nila "kung ano ang bakunang nasa katawan mo, yan ang pinaka epektibo". Pagdating naman sa mismong araw ng pagpapa bakuna, napakabilis lang ng proseso. Naalala ko higit isang oras lang tapos ka na. Di ka maha-hasel, sa vaccination site dahil ang lamig ng lugar at asikasong asikaso ka ng mga volunteer. Kung may mga katanungan ka, pwedeng pwede ka magtanong sa mga doctor na naka duty. Thank you Valenzuela City. #BakunadongValenzuelano
Isa ako sa part ng may Comobities but I choose to be vaccinated Why? Because 1. It protects me. 2. It protects the people around me. 3. and most importantly, it protects my family. I had reservations at first so I consulted my Cardiologist to ask for opinion. My doctor also gave me a GO signal so I decided na mag pa-Vaccine. Kabado, but kinaya! Valenzuela Government didn't tell any secrets sa mga possible side effects which I had. Pero 48 hours lang, Im all good, So nung 2nd dose ko, I feel na parang wala nalang. Happy! atleast now, I can defitenitely say that I'm fully protectected. Happy because aside from completing the 2 doses, I was part of the 1st batches too to share the good news to my friends. #BakunadongValenzuelano
Lahat tayo ay may responsibilidad sa ating sarili at sa ating kapwa. Kaya tayo magpapabakuna ay para matugunan ang mga responsibilidad nating ito sa panahon ng pandemya. Kaya tayo magpapabakuna ay para maging ligtas tayo at ang ating pamilya. Kung gusto natin na matapos ang pandemyang ito, maging responsableng mamamayan tayo. Maging #BakunadongValenzuelano!
Despite the immense negativity surrounding SINOVAC early this year, I was ready to register for the free vax as soon as the Valenzuela LGU would allow it. I'm a business consultant who has a comorbidity trying to make things work in a pandemic; and given my condition and that desire to keep my livelihood afloat, the pros of getting the vax just outweigh the cons. My 1st and 2nd vax jabs turned out very smooth and hassle-free at Maysan ES, as expected. I was in/out of the facility in less than an hour. As for the side effects, I didn't feel anything I hadn't been briefed about before/after getting the vax. Just hunger and an episode of fever that I'd easily "fixed" with paracetamol. So, I'd like to encourage everyone to register for the free vax as well. With cooperation, we can beat COVID!
I was vaccinated last May 31,2021. At first I felt nervous yet excited. But as soon as the vaccination process started I feel secured. The process takes only a few minutes. After receiving may first dose sinovac I don't have any side effects, never had a fever, chills or body ache. I have a little one so I have to be vaccinated so that my family is safe and have assurance. I hope that by sharing my expirience will insipire others to be brave and get vaccinated.