Share your #BakunadongValenzuelano experience!

Sa simpleng pagpapabakuna ay naging bahagi kayo ng solusyon upang sama-sama nating malabanan ang COVID-19.

Interesado kaming marinig ang inyong karanasan sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Ibahagi niyo na ang inyong kwento nang sa gayon ay mahikayat na rin ang iba pang Valenzuelano na magpabakuna.

• Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mabakunahan?
• Nakaranas ka ba ng side effects?
• Bakit mo napagdesisyunang magpabakuna?
• Ano ang kahalagahan ng pagpapabakuna para sa iyo at sa iyong pamilya?

Sama-sama nating tulungan ang bawat Valenzuelano na malinawan tungkol sa bakuna at upang makatulong sa kanilang pagdedesisyon.

Tandaan, ang pagpapabakuna ay isang malaking hakbang upang makamit natin ang herd immunity, at upang makabalik na tayo sa normal at makasulong tungo sa mas magandang kinabukasan.


#BAKUNADONGValenzuelano! SALAMAT!

Noong una medyo kunakabahan s magiging side effect nito sa akin..Pero alang alang sa aking pamilya at bilang guro na rin kailangan protektado din ako. Para pag nagkaroon na ng f2f ang klase hindi ako kakaba kaba.

Isa ako dati sa ayaw at takot magpabakuna dahil nga sa mga side effects na nababalitaan ko sa ibat ibang bansa...pero nung nag positive ako sa Covid agad agad na kong nagregister sa vcvax, kasi naisip ko na proteksyon ko na rin yun at para na rin sa mga anak ko na maliliit pa dahil nung nagka covid ako, grabe yung mga sintomas na naramdaman ko at feeling ko that time hindi ko na makikita mga anak ko..so yun nga agad akong nagregister kasi natatakot na ko na if magkasakit ulet ako baka mas sobrang lala na nung mga sintomas na mararamdaman ko at baka worst ikamatay ko na..kaya nagregister na ako sa vcvax para atleast papanatag na yung loob ko dahil less na ang magiging effect saken ng covid kung sakaling tamaan ulet..Ayun nga, wala naman side effect saken yung vaccine, thanks God

Bakunado n po ko, kahit paano may protection n ako, pero kailangan ko pa rin maging maingat, wl nman po ako naramdaman, matapos ako mabakunaan, kahit paano Panatag n po ako, thank u Mayor Rex sa iyong walang sawang pag alaga sa amin kalusugan, lalo sa amin mga senior citizen.

Nakapagbakuna na din si papa! Noong una ayaw nya kasi takot sya sa magiging side effects, pero napanatag na din ang loob nya. Thank you, Mayor and team Valenzuela. #BakunadongValenzuelano na si papa! Happy father's day!

January pa lang nung mag anunsiyo ang gobyerno na magparehistro kahit binabalita pa lang na parating palang ang bakuna hindi na ako nagatubili or nag doubt na magparehistro... Lalo pa akong nag insist mabukunahan dahil sa covid 19 namayapa ang aking ina,kaya nung mabigyan kami ng letter na kwalipikado kami para mabakunahan ako at ang aking asawa ay tuwang tuwa kahi ang aking maybahay ay may konting kaba at takot sa bakuna. Sa unang dose ng bakuna pfizer ang tanging naramdaman ko lang ay nangangalay ang aking braso lalo na ung parte ng nasaksakan ng karayom. Hindi ako nilagnat or kahit anong side effect. Masayang masaya kami dahil kahit papaano may protection na kaming magasawa sa covid lalong lalo na ako na isang OFW... Proud to be Valenzuelano Salamat po ng marami... Mabuhay

Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mabakunahan? medyo na ngalay yung braso ko • Nakaranas ka ba ng side effects? YES nilagnat ako ng isang araw meaning tumalab sakin yung bakuna • Bakit mo napagdesisyunang magpabakuna? since nman bata ako eh LAKING BAKUNA ako TIWALA magulang ko sa BAKUNA LABAN SA TIGDAS LABAN SA POLYO nagkaISIP ako nagpa VACCINE din ako ANTI FLU ALAM KO NA KAYA GINAWA ang BAKUNA para TULONG sa ATINg KALUSUGAN • Ano ang kahalagahan ng pagpapabakuna para sa iyo at sa iyong pamilya? maging LIGTAS ang AKIng PAMILYA 7 KAMI sa BAHAY 5 BAKUNADO na 2 minor at baby pero if PWEDE na SILA sure samahan ko sa VACCINE SITE PROUD BAKUNADONG VALENZUELANO

Mabilis at maayos ang proseso.

At first, sa totoo lang po ayoko magpabakuna kasi natatakot din po ako, pero I realized na kailangan ko po ng vaccine kasi Expose po ako dahil yung buong family ng kapatid ko at Ang tatay ko po ay nagpositibo sa covid19 last may 15 2021,lahat po sila ay naisolate at ako po ang nag asikaso sa mga needs nila, then my 69y/o mom ay naospital dahil po sa severe pneumonia coz of Covid19 ako din po ang nag asikaso lahat mg mga kailangan sa hospitalization ng nanay ko, and then just last May29, 2021 she died due to septic shock bec of Covid19, in just in span of 2wks lang po yan nangyari nitong Last month of May :( so my husband and my daughter decided to have our vaccines for our added protection na din po para sa aking sarili at sa aking pamilya :)

Good day! I made a vlog on my vaccination journey. I attached here the YT link for your perusal. I hope that this could help spread awareness. Thank you and God bless. #BakunadongValenzuelano https://youtu.be/qsBSVg1tnb4

Got my first shot of the vaccine! It took me less than an hour to complete the process. Crowd is controlled (only few or those that were invited thru text, call and letter and scheduled to be vaccinated around that time). They explained ahead through orientation the process and expected effects, signed a waiver too. They took my blood pressure, checked by the doctor for any complications, then went to the waiting area (waited for only 10-15 minutes) During my turn to be vaccinated, the nurse showed me the bottle of the vaccine that will be used (AstraZeneca). Then proceeded to check out area where they will check again your blood pressure. And there you go! How I got my first shot of the vaccine.

May 24,2021 1st dose Astrazeneca vaccine..Sana lahat Mag pa vaccine para matapos na ang pandemic na to..