× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Lungsod ng Valenzuela, Nagbigay-pugay sa mga frontliner ng Bagyong Carina
2024-08-12 
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
Caption 

Bilang isang taos-pusong pagkilala, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ang mga frontliner at mga rescuer na nagkaroon ng mahalagang papel noong pananalasa ng Bagyong Carina at habagat sa isinagawang flag raising ceremony ngayong Lunes ng umaga, Agosto 12, 2024. Kabilang sa mga binigyan ng komendasyon:

  • Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO)
  • Valenzuela City Liga ng mga Barangay
  • Valenzuela City Social Welfare and Development Office
  • Valenzuela City Command and Coordinating Center (VCC3)
  • Philippine Red Cross - Valenzuela City Chapter
  • Philippine Coast Guard District NCR-CL
  • Philippine Coast Guard Auxiliary District NCR-CL
  • Philippine Coast Guard Auxiliary 124th Squadron
  • Coast Guard Ecumenical Chaplain Service
  • Coast Guard Special Operation Group NCRL-Central Luzon
  • Coast Guard Base Farola
  • Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service
  • Coast Guard Station Manila
  • Coast Guard Education Training and Doctrine Command
  • Coast Guard Medical Service
  • Valenzuela City Police Station
  • Bureau of Jail Management and Penology - Valenzuela City
  • Bureau of Fire Protection - Valenzuela City
  • Philippine Army Reservist

Ang mga pagkilalang ito ay ibinigay bilang pagpapahalaga sa walang pag-aalinlangang paglilingkod at dedikasyon na ipinakita ng mga grupong ito sa harap ng mga pagsubok. Ang kanilang mga pagsisikap ay naging mahalaga sa pagsasagawa ng mga rescue operation, pagbibigay ng tulong medikal, at pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod sa kabila ng mga hamong dulot ng bagyo at habagat.

Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng Certificate of Commendation at tulong pinansyal sa dalawang kawani ng Waste Management Office at isang kawani ng City Veterinary Office na nasugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin pagkatapos ng bagyo.

Kasunod nito ay kinilala at binigyang-pugay rin ng pamahalaang lungsod ang yumaong si Engr. Romel L. Pondevida, pinuno ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ng isang Posthumous Service Award. Ang natatanging parangal na ito ay pagkilala sa walang kapantay na dedikasyon at pamumuno ni Engr. Pondevida sa pangangasiwa ng mga programang pang-kalikasan. Ang kanyang walang hanggang pagsusumikap para sa kapakanan ng Lungsod ng Valenzuela ay nag-iwan ng isang pamana na mananatiling alaala at pahahalagahan ng lungsod.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor WES ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng pinarangalan dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Valenzuelano. Binigyang-diin rin niya ang kahalagahan ng pagkilala at pagsuporta sa mga taong handang isakripisyo ang kanilang buhay para sa komunidad.

"Tayo po ay tunay na mapalad na mayroong mga indibidwal na talagang tumulong sa kasagsagan ng bagyo, lubos po ang pasasalamat natin sa ilang mga grupo, unang-una na sa ating rescue team, ang VCDRRMO kung saan higit 150 ang tuloy-tuloy na nag-rescue. Ako rin po ay nagpapasalamat sa Philippine Coast Guard para sa kanilang tulong, sa CSWDO, at sa marami pang iba, dahil handa po kayong ialay ang inyong mga buhay para sa inyong mga kababayan. Taos-puso rin po ang ating pasasalamat sa Liga ng mga Barangay para sa inyong suporta." [We are truly blessed to have individuals who are ready to help during the typhoon. We are extending our gratitude to these individuals and organizations, first, our rescue team, VCDRRMO of which more than 150 of their personnel continuously fulfilled their duty. We are also thanking the Coast Guard for their help, CSWDO, and many many more, because you are ready to risk your lives for your fellow Valenzuelanos. We would also like to extend our sincere gratitude to the Liga ng mga Barangay for your continued support.]

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng lungsod at mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon, at nagsilbi itong paalala ng kolektibong lakas at tibay ng Lungsod ng Valenzuela at ng bawat Valenzuelano, na patuloy na nagsasama-sama sa harap ng mga hamon.

###

 
Print
2024-08-12 | By: William Chua

Latest News


 Archive

 Category