× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Traffic Enforcer sa Valenzuela, sinikmuraan at tinutukan ng baril ng 2 pulis-Maynila
2024-07-18 
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
Caption 
Tags: ROAD RAGE ,

Nagtungo sa tanggapan ng Valenzuela City Police Station ang isang nagngangalang Ronaldo David, 42, traffic enforcer ng Traffic Management Office (TMO) – Valenzuela, upang ireklamo at sampahan ng kasong kriminal ang dalawang pulis-maynila na ‘di umano’y sinaktan siya at pinagbantaang papatayin. Lumutang ang biktima upang magbigay ng kanyang salaysay, isang araw matapos ang insidente, Hulyo 15, 2024.

Ayon sa salaysay ng biktima, Hulyo 14 ng 4:30 am, binabaybay niya ang kahabaan ng kalye M.H. Del Pilar, Brgy. Mabolo, Valenzuela City, nang mapansin niya ang dalawang motorsiklo na pawang walang mga suot na helmet at naka-tsinelas lamang ang mga ito. Hindi pa man din sinisita ay sinalubong na ng dalawang suspek ang motor na tangan ng biktima upang komprontahin.

Agad pininahan ng dalawang nakamotor ang biktima at doon napag-alaman na mga pulis-maynila ang dalawa—nakatalaga sa Delpan Police Station 12. Bumaba sa sinasakyang motorsiklo ang isang pulis na kinilalang si PSSg Ernesto Camacho, bumunot ng baril at itinusok sa sikmura ng biktima. Napahawak sa sikmura ang biktima habang bumagsak naman sa sahig ang motor na sinasakyan nito.

Tila lalo namang umangat ang tensyon nang gatungan pa ng isang pulis-maynila ang insidente matapos bumunot rin ng baril ang nagmamaneho ng motor na si PSSg Masong Cabudoy at tinutukan ang biktima. Habang nakatutok umano ang baril sa biktima ay nagbitaw pa ito ng mabibigat na salita, “GUSTO MO PATAYIN NA KITA DITO?”

Sumaklolo naman ang isa pang kasamahang pulis ng dalawa na nagpakilalang si PCpl James Dale Vargas Dela Peña, at agad namagitan sa insidente. Kinuha niya ang tumilapong helmet ng biktima at pinaalis na ito upang hindi na lumaki pa ang gulo. Sinamantala naman ito ng mga suspek at agad na lumipad patungong Malanday.

Kaugnay nito, ang Lungsod ng Valenzuela ay may ipinapatupad na ordinansa ukol sa tamang dress code ng mga naka-motor sa kalsada, maging ang pagsusuot ng tamang uri ng helmet– Ordinansa Blg. 1083, Serye ng 2023. Ito ay alinsunod sa Metro Manila Traffic Code of 2023.

Sa kasalukuyang pag-uulat ay sinampahan na ng kasong grave threat at physical injuries ang mga kinilalang pulis-maynila.

Patuloy namang pinaghahanap ang dalawang pulis na suspek at hinihintay na lumutang upang panagutin sa kanilang mga nakabinbin na kaso sa pulisya.

Sa isang presscon na ginanap nitong Hulyo 18, sa Valenzuela City Hall, nagbigay ang ama ng lungsod na si Mayor WES Gatchalian ng kanyang mensahe para sa mga kinilalang mga suspek. Aniya’y walang puwang ang mga mayayabang na pulis sa kanyang nasasakupan at hindi uubra ang mga ganitong kawalanghiyaan sa kanyang lungsod. “Dito po sa Valenzuela, ang mga taga Valenzuela po ay may disiplina, gayundin ang mga miyembro ng kapulisan. Kami po’y nagtatrabaho nang maayos, namumuhay dito nang may disiplina. Hindi ho welcome ang mga bastos na pulis dito sa aming lugar [at] ‘wag kayong pupunta [rito] na [nagsisiga-sigaan], na akala niyo e, porke’t pulis kayo ay mas mataas kayo sa mga traffic enforcer,” wika niya.

Binigyang-pugay naman ng lokal na pamahalaan ang katapangang ipinamalas ng biktimang traffic enforcer. Siya ay pinagkalooban ng sertipiko ng pagkilala at PhP 10,000 bilang pagsaludo sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa kabila ng pagkakalagay ng kanyang buhay sa alanganin. 

Sa kabilang banda, nag-iwan ng isang panawagan si Mayor WES na walang kakatigan ang umiiral na batas sa lungsod at hindi papalampasin ang mga ganitong uri ng paglabag, lalo na’t kung sangkot ang mga mamamayang nasasakupan niya.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan sa mga motorista at residente ng iba pang karatig-siyudad na sumunod at irespeto ang mga ordinansang ipinapatupad sa loob ng lungsod.

Nagbigay naman ng update ang Manila Police District, anila’y hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong uri ng paglabag sa karapatang pantao. Maliban dito, agad namang ni-relieve ang dalawa sa kanilang destino at binawi na rin ang kanilang mga service firearms. Nangako naman ang hepe ng MPD na sila’y makikipagtulungan upang mas mabilis na gumulong ang mga kasong isinampa sa dalawang suspek na hawak nila.

 
###
Print
2024-07-18 | By: Regino Morata Jr.

Latest News


 Archive

 Category