× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Official Statement of Mayor WIN on Alleged Human Organ Trafficking in the City
2011-03-03 
IN THIS PHOTO:
Valenzuela City Instills Early Vigilance Against Dengue
City Health officials look deeper look on where school children can get dengue and address it by beefing up its information campaigns and interventions in schools.
Photo by: Jonathan Licuan
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
Valenzuela City Instills Early Vigilance Against Dengue
Hailed as the City’s Cleanest School for the first semester of the school year 2010-2011, Gen T. de Leon National High School hosted the launching of an anti-dengue campaign that seeks to engage students for proactive roles against the dreaded disease.
Photo by: Jonathan Licuan
View Gallery
images
Caption 


Nakatanggap ang aming tanggapan ng mga ulat sa pamamagitan ng telepono, text messages at maging sa internet sa pamamagitan ng email, Facebook at Twitter mula sa ating mga kabababayan at sa media tungkol sa lumalaganap na balita ukol sa HUMAN ORGAN TRAFFICKING o ILEGAL NA PANGANGALAKAL NG MGA BAHAGI NG KATAWAN NG TAO na siya ngayong gumigimbal sa ating Kalunsuran at nagbunsod sa amin upang maglathala ng pahayag na ito.


Ang paglaganap ng mga ulat na ito ang nagtulak sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, Valenzuela City Police, Liga ng mga Barangay at ng Division of City Schools upang tahasang imbestigahan at tukuyin ang pinanggagalingan ng mga balita na siya ngayong naglalagay sa alanganin sa kondisyon ng kapayapaan at kaayusan sa ating pamayanan.

Sa aming pangangalap ng mga kinakailangang impormasyon, hiniling namin ang pakikipagtulungan ng mga barangay, paaralan, pulisya, punerarya, at napag-alamang ang mga ulat na ito ay walang basehan at katibayan at produkto lamang ng malikot na imahinasyon na nagdulot ng pagkalat ng impormasyong taliwas sa katotohanan.

Ipinaaalam namin sa inyo na hindi ipinagsasawalang-bahala ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang usaping ito at patuloy na tututukan ang sitwasyon.

Hinihikayat namin ang aming mga kabababayan upang i-ulat ang mga ganito o kahalintulad na kaganapan ng may kaukulang detalye sa opisina ng Hepe ng Pulisiya ng Valenzuela City sa telepono bilang (02) 986.6627, Special Projects Team sa (02) 352.4000, o sa Public Information Office sa telepono bilang (02) 292.9168, (02) 352.1000 local 1822 at 1921 upang malikom ang kinakailangang kaalaman at masupil ang may kagagawan ng krimeng ito.

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga nagmamalasakit na mamamayan na nagparating ng mga ulat sa kinauukulan. Mananatiling bukas ang aming tanggapan upang patuloy na maglabas ng impormasyong hinihiling ng mga mamamayan at patuloy kaming maninindigan sa aming tungkulin na proteksiyunan ang kapakanan ng ating mga mamamayan.

Maraming salamat po!
 

Print
2011-03-03

Latest News


 Archive

 Category