× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Top Two sa Most Wanted sa Valenzuela, arestado
2015-07-20 
IN THIS PHOTO:
ANOTHER ONE DOWN

City Mayor REX Gatchalian puts an X over the picture of Daniel Aga Lusong, the second in Valenzuela City police's Most Wanted Persons list, during a press conference at the city hall on Monday, July 20, 2015.

Photo by: Rodrigo De Guzman
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
CAUGHT

Valenzuela police chief Senior Superintendent Audie Villacin (second from right) presents to City Mayor REX Gatchalian (left) Daniel Aga Lusong (in orange shirt), who has been arrested on charges of murder (two counts), attempted murder, and frustrated murder, during a press conference at the city hall on Monday, July 20, 2015. Lusong was nabbed on July 17 by Valenzuela police in Taguig City.

Photo by: Rodrigo De Guzman
View Gallery
images
Caption 

Hawak na ng pulisya ng Valenzuela ang Top Two sa listahan ng mga Most Wanted sa lungsod, isang lalaking may nakasampang apat na kaso, kabilang na ang dalawang kaso ng pagpatay.

Nahaharap sa dalawang kasong murder, isang attempted murder, at isang frustrated murder si Daniel Aga Lusong, 32, na nahuli noong gabi ng Hulyo 17 sa Lungsod Taguig. Nakakulong ngayon si Lusong sa Valenzuela City Police Station.

Ayon sa pulisya, si Lusong ay inaresto kaugnay ng  pagpatay kay Ronald Marinas Bernardino at pananakit kay Albert Dimayuga Marquez noong Abril 22, 2012 sa harap ng St. Peter Computer School, Marulas, Valenzuela City.

Ang pagkakaaresto kay Lusong ay kaugnay na rin ng pagpatay nito kay Lauro Evangelista Bartolo, punong barangay ng Brgy. Libtong, Meycauayan, Bulacan, at pananakit sa anak nitong si Larry Soriano Bartolo, noong Hunyo 17, 2012, sa harap ng Malanday Cockpit Arena sa Valenzuela City.

Naglaan si Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ng pabuyang P500 libo para sa agarang paghuli kay Lusong.

Matatandaang nauna nang naaresto ang nakatatandang kapatid ni Lusong na si Danilo, akusado rin sa mga kasong nabanggit,  noong Nobyembre 17, 2012 sa Phase 1, Bagong Silang, Caloocan City. Nakakulong ngayon si Danilo sa National Bilibid Prison matapos mapatunayang nagkasala at maparusahan ng habambuhay na pagkakulong.

Para sa mga karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Police Senior Inspector Allan Rabusa Ruba, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch, sa 352-4000 at 09179185208.

Print
2015-07-20 | By: Rafael Carpio Cañete

Latest News


 Archive

 Category