× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Siglos de Gracia: Sulyap sa Makasaysayang 400 Taon ng Lungsod ng Valenzuela
2024-11-10 
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Mico Quebrar
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Mico Quebrar
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Mico Quebrar
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Mico Quebrar
View Gallery
images
Caption 

Sa pagtutulungan ng Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Kultura at Turismo ng Lungsod ng Valenzuela [Valenzuela City Cultural and Tourism Development Office (CATDO)] — sa pamamahala ni Mayor WES Gatchalian — at Recamaderos de Polo ng Parokya ng San Diego de Alcala, pormal na binuksan ang Siglos de Gracia Exhibit sa Casa de Polo, Brgy. Poblacion, noong Linggo, Nobyembre 10, 2024.

Bilang bahagi ng ika-401 taong pagkakatatag ng Pueblo de Polo (ngayo’y Lungsod ng Valenzuela) noong ika-12 ng Nobyembre, taong 1623, layunin ng CATDO at ng Recamaderos de Polo ng Parokya ng San Diego de Alcala na ipamalas ang sulyap sa apat na raang taon ng tradisyon at pamanang panrelihiyon ng Parokya ng San Diego de Alcala.

Ang Siglos de Gracia ay ang kauna-unahang eksibit na nagbubuklod sa iba’t ibang imahen na karaniwang makikita lamang tuwing Mahal na Araw, Fiesta, o sa mga prusisyon. Ang 49 na imahen ay pagmamay-ari ng simbahan at ng iba’t ibang pamilya sa Polo — mga matatandang pamilya at deboto.

Hindi lamang binubuklod ng Siglos de Gracia ang iba’t ibang imahen, kundi pinatutunayan din nito na ang kasaysayan ng simbahan at ng bayan ay halos iisa. Makikita dito ang apat (4) na makasaysayang siglong biyaya ng Diyos sa tulong ni San Diego, na ipinamalas sa pamamagitan ng anim (6) na kabanata:

- Kabanata I - Kasaysayang Pulu-Pulo: Pagtatagni-tagni ng Kasaysayang Bayan

- Kabanata II - Si Kiko at Si Dyigs: Isang Tala ng Mahahalagang Kaganapan na Humubog sa Parokya ng San Diego

- Kabanata III - Debosyong Taal: Local and Unique Devotions and Customs

- Kabanata IV - Mga Naging Kura-Paroko ng Bayan ng Polo

- Kabanata V - Pagkakabuklod-buklod sa Pagsasarili: Mga Anak na Parokya ng San Diego de Alcala

- Kabanata VI - Ang Hamon Ngayon: Ang Bukas Para sa Pamanang Polo

Pinangunahan nina Rev. Fr. Francis Carson, Rev. Fr. John Paul Jickain, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Bro. Boy Ferrer, Mr. Jonathan Balsamo, at ng mga sponsors at exhibitors ang pagbubukas ng eksibit.

Maaaring bisitahin ang libreng eksibit sa Casa de Polo — sa tapat ng Parokya ni San Diego de Alcala — tuwing ikasiyam ng umaga (9:00 AM) hanggang ikalima ng hapon (5:00 PM), mula Nobyembre 10, 11, 13, at 14, 2024. Samantala, sa ika-12 ng Nobyembre (Martes), araw ng pagkakatatag ng Lungsod ng Valenzuela at pagdiriwang ng Kapistahan ni San Diego de Alcala, ang eksibit ay bukas mula ikapito ng umaga (7:00 AM) hanggang ikawalo ng gabi (8:00 PM).

Sa kabila ng banta ng makalimutan ang mga nakagawian, hinihikayat ang Pamilyang Valenzuelano na alagaan at patuloy na isabuhay ang mga tradisyon at pamanang relihiyon para sa mga susunod na henerasyon.

###

Print
2024-11-10 | By: Katherine Soriaga

Latest News


 Archive

 Category