× By using this website, you agree to the terms of the Valenzuela City Privacy Notice

Valenzuela City, Ipinagdiwang ang National Nutrition Month 2024
2024-07-09 
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
IN THIS PHOTO:
.
.
Photo by: Resty Castro
View Gallery
images
Caption 

Sa pamamagitan ng Health Office at Nutrition Unit ng lungsod, nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela sa pagdiriwang ng ika-50 na Pambansang Buwan ng Nutrisyon na may temang “Sa PPAN, Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!”, na ginanap sa ALERT Multi-purpose Center Hall, July 9.

Upang pasinayaan ang selebrasyon, isinagawa ang isang Nutri-Parade na puno ng makukulay na gulay at prutas kaninang umaga na pinangunahan hindi lamang ng mga bata, kundi pati ng mga buntis at senior citizen din.

Ayon sa tema, ang PPAN o Philippine Plan of Action for Nutrition ay nakatuon sa pampamilya at kolektibong nutrisyon. Ngayong taon, sinisikap nitong ipakilala ang kolaboratibong pagsusulong ng pagkain ng sapat.

“Sa mga nakaraang taon ang ating pong kasama ay mga bata, pero ngayon ay all ages na po tayo, kasama na rin natin ang mga senior citizen at mga buntis! Pasalamatan po natin silang mga nakilahok sa selebrasyong ito.” Pambungad ng City Nutrition Action Officer na si Dr. Marilyn C. Liwanag, MD, MPH, MPM

Hinikayat rin ni Dr. Liwanag ang mga magulang dahil totoong nagsisimula sa bahay ang pagpapakilala ng tamang nutrisyon, “Bilang mga nakakatanda, malaki ang inyong gampanin sa ating mga kababayan. Dahil sa inyo nakasalalay ang tamang nutrisyon ng inyong mga anak, tulungan niyo po kaming mga nasa Health and Nutrition Unit. Hindi namin kayang sugpungin ang malnutrisyon, naniniwala akong tayong nasa iba’t ibang sektor at ahensiya ang dapat magsama-sama para sa ating hangarin pangkalusugan.”  

 

Mommy at Daddy, maging NutriWais! 

Parte rin ng selebrasyon ang paglalaan ng isang lecture tungkol sa pagiging NutriWais ng mga magulang. Dito ay binigyang diin ang pagkakaroon ng well-balanced diet na kailangan para sa kumpletong nutrisyon ng buong pamilya. Alinsunod din ito sa kahalagahan ng Pinggang Pinoy o ang pagkakaroon ng sapat at hindi labis na pagkain, maging ang pagkonsumo ng mas maraming prutas at gulay. Gayundin ang pagsusulong ng angkop na nutrisyon ng mga sanggol sa pamamagitan ng Exclusive Breastfeeding. Ito ay ang kahalagahan ng pagbibigay ng tanging breastmilk sa unang anim na buwan ng mga sanggol.

 

Stay fit para sa healthy and strong body! 

Sa kabilang banda, ibinida rin sa selebrasyon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malusog na katawan at tamang timbang sa pamamagitan ng mga tamang pagkain at physical activity ng mga bata. Dito ay pinaalala ng City Nutrition Action Officer, Dr. Marthony P. Basco, MD, MPH, FPPS na “A fat child is not a healthy child! [Ang matabang mataba ay hindi maituturing na isang malusog na bata!]” 

 

Ayon pa kay Dr. Basco, ilan din sa mga dapat tandaan upang lumaking matangkad at malakas ang mga bata ay dapat ugaliin nila at hikayatin sila ng kanilang mga magulang na matulog ng maaga, hayaang makapaglaro sa labas upang mabanat ang mga buto, at mahalagang samahan din ng tamang nutrisyon araw-araw. 

Bukod sa Local Nutrition Advocacy Program, mayroon ding Zumba at Exercise Activities, mga booth na namahagi ng mga pagkain gaya ng tinapay, mainit na champorado, at malamig na Yakult o probiotic drink. Mayroon ding pinamigay na mga buto ng halaman na maaaring itanim tulad ng ampalaya, talong, kamatis, at okra.

Ang pagtitipong ito ay dinaluhan ni Konsehal Gerald Galang, ilang mga Barangay Health Worker, mga bata mula sa Bahay Pag-asa, mga matatanda mula sa Bahay Kanlungan, ilang mga manggagawa at opisyal mula sa City Veterinary at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).




 

###

 
Print
2024-07-09 | By: Mary Margaret Magat

Latest News


 Archive

 Category